Natatanging Bayani
Apo'y kung maituring sila
Sinisindihan ang bawat kandila, kahit maubos pa sila
Nagsisilbing ina at ama
Mga gurong hinihirang at bihira
Pagod at hirap ay hindi iniinda
Masilayan lang ang ngiti ng bawat estudyante nila
Napapawi na lahat ang kanilang problema
Oh hindi ba, kay saya
Guro, kapatid, magulang, at iba pa
Lahat ay ginagampanan nila
Ngunit minsan ay nakakalungkot na
Dahil kahit sarili nilang anak, hindi na nila natututukan pa
Guro sa eskuwelahan, Magulang sa bahay
Pag-uwi, gagawa pa 'yan ng gawaing bahay
Meron pang mga papeles na naghihintay
Ngunit tuloy parin sila sa takbo ng buhay
Bawat sakripisyo nila ay sadyang napakahalaga
Nawa'y igalang at respetuhin natin sila
Bawat sakripisyo, pagod at saya nila
Ay ang mga ala-alang hindi kailanman mabubura